Yan ang hindi ko magagawa sa mga oras na ito.
Una, walang joy para sumigaw ako.
Pangalawa, wala na akong lakas para makasigaw.
Katulad ng marami nang beses na pagbagsak ng mundo ko dahil sa mga nakikita ko sa paligid, eto nanaman ngayon ang isang rason para tanggalan ko ng karapatan ang isipan ko na makapag-isip ng matiwasay sa araw-araw.
Sinisimulan ko pa lang nang dahan-dahan ang buhay ko. Para lang ulit akong batang nag-aaral maglakad, magbasa, at matuto ng mga bagay-bagay. Inaaral ko pa lang ang paligid ko, tinuturuan ko pa lang ang sarili kong mahalin ang pagkakataon na handog sa akin ng tadhana.
Mukhang kailangan ko na lang tumingin sa malayo at pigilan ang mabilis na pagdaloy ng mga ideyang hindi kaaya-aya sa isip ko.
Hindi ko alam kung nakakatulong ba sa akin yung nakaupo lang ako sa bubong ng bahay namen tapos nakatingin sa direksyon kung san nandon ang bahay niyo.
Siguro nga, ganon na lang. Dapat na lang akong makontento don. Kasi hanggang dun na lang ang kaya ko. Matagal na akong walang karapatan para magdamdam sa nakikita ko. Kung meron man akong karapatan, tatanggalin ko na lang muna.
Tsk. Kaya ayaw kong nagiging stalker na nagbubungkal ng kung ano-anong account. Mabilis lang akong tatanda sa sama nang loob na ako lang din naman ang may gawa para sa sarili ko.
Legga PiĆ¹...