Thursday, April 24, 2008

Plasticity

Tupperware
by Mariano


Madalas kong masilayan
Sa bawat isa sa iyong mata
Ang bawat pighati
Sa kabila ng pagngiti

Bakas sa bawat kurba
Ng iyong mga labi
Ay nagkukubli ang mga luha
Na nagpipigil pumatak

Alam man ng madla
Maging ng buong mundo
Ang kaligayahan na tinataglay
Ikaw naman, sa aki'y bukung-buko

Nagpaparty ka gabi-gabi
Pilit nilulunod ang sarili
Nagpapakasasa sa alak
Subalit sa kalungkutan pa din nakalagak

Makinang ang iyong pigura
Parang diyamanteng nakasisilaw
Lingid sa kaalaman ng lahat
Plastik lang ang iyong ligaya

Kailan ka magigising
Sa pagtulog mo sa kalungkutan
Kailan mo matatamo
Ang wagas na kaligayahan

Plastik na kaligayahan
Ang nakabalot sa iyo
Nawa'y tumapang ka
At harapin mo ang totoo