Kanta ni JR Siaboc yan. Jay-R. Jeiyarr.
Kung paano man ang spelling niyan, ang kanta niyang yan ang hinding-hindi ko makakanta.
"You're not helping".
Okay.
Hindi ako matulunging tao. Aminado ako. Hindi ko napapaganda ang sitwasyon. Sinisira ko ito't nilalamukos na parang isang bagong bond paper na kakahugot lang sa ream na kakadeliber lang sa opisina.
Pero sino ba naman kasi ang gustong tumulong sa sitwasyon na kung saan kailangan mong putulin ang ugnayan mo sa isang tao?
Ako, ayaw ko ng tumutulong. Tapos ang usapan.
Hindi ako nakikinig. Oo, ikalawang totoong bagay na nabasa mo dito sa blog na yan.
Lumaki akong sutil at suwail. May sarili akong mundo't autistic kong maiituring ang sarili ko.
Sumusunod ako para sa ikagaganda ng mga bagay, na hindi naman din talaga gaganda kahit sundin ko.
Hindi ako nakikinig. Oo, hindi ako nakikinig at hindi ako sumusunod. Panalong-panalo para sa skillset ko ang dalawang katangiang ito.
Pero gaano ka ba kasiguradong 100 percent na maaayos ang lahat kung papakinggan kita? Bakit hindi muna natin subukan ang suhestiyon ko para saka mo na lang ako pagalitan kapag hindi umubra.
At least napatunayan naten na 100 percent ngang tama ang bagay na gusto mong pakinggan ko.
Unti-unti na akong bumibitaw sa pangarap ko.
Sana kahit kalingkinan ko eh maisabit ko pa bago ako tuluyang bumitaw at mahulog sa tunay na mundo.
Ang mundo ng katotohanan na mamatay akong nag-iisa sa buhay, nakabaluktot sa ilalim ng puting kumot, at lumuluha ang mga mata.