Isang araw sa isang taon, nagmamahal ang bulaklak.
Dumadami ang konsumo ng tsokolate.
Mahaba ang pila sa Motel.
Madami ang kumakain sa mamahaling restaurants.
Lahat ito naganap sa isang araw na hinihintay ko ding dumating ngayong taon.
Nagdaan lahat ang mga bagay na ito sa aking mga mata. Tsokolate at bulaklak. Mga magkasintahang napakatamis ng samahan at nagsusubuan pa ng ulam sa isang sosyal na kainan. Mga sunod-sunod na pasok ng sasakyan sa mga Motel na talaga namang mapapailing ang mga pari at madre na sapagkat malamang ay iilan lamang dito ang may basbas ng matrimonyo ng kasal.
Ano nga ba ang dahilan at hinihintay ko sa araw na ito? Para sa isang taong nag-iisa lang naman sa buhay at walang itinuturing na espesyal na kasama ay isang malaking kahibangan para antayin pa ang araw na ito. It's a big fucking joke, or a fucking big joke, alin man ang mauna sa big at fucking, joke pa din ito.
Mataas din ang paghahangad kong maging maligaya ng lubos sa inaasahan sa araw na ito. Sa paanong paraan ay yun na ang malaking kababalaghan na tinatamasa ko.
Hindi naman laging ganito. Natatandaan ko pa din naman noon ang mga pangyayari.
Planado na ang lahat. Susundo ako dala ang regalong nakaubos ng isang buong araw para lamang makita ko. Kasama naman nito ang tsokolate at bulaklak. Iintayin kang makatapos sa paghahanda mo at pagbibihis na kahit abutin pa ng isang taon ay mananatili pa din akong excited sa paghihintay. Paglabas mo ng kwarto mo ay tila ba ako'y nasabugan ng atomic bomb ng kaligayahan. Napakaganda mo at perpekto ka ngayong araw na ito. Wala na akong hahanapin pa.
Magpupunta sa kung saang mall, manunood ng sine, kakain, magpapalipas oras habang umiinom ng 140 pesos na kape, at magkukuwentuhan ng mga bagay na tayo lang ang nakakaintindi kahit Tagalog din naman ang salita natin. Isang araw na punung-puno ng komersiyalismo.
Matatapos ang buong araw at uuwi tayo na taglay ang kaligayahan natin sa ating mga puso. Mamaalam ako sa iyo sabay mahihiyang manghingi ng isang halik. Halik na mauuwi sa isang gabing punung-puno ng makamundong pagnanasa gamit ang ating mga katawan at mga makakating mga isip.
Masaya sana kung ganun ang sitwasyon ngayon. Pero niloloko ko lang pala ang sarili ko kung umaasa pa akong matutupad ang mga plano ko para sa araw na ito.
Kumpleto ang lahat. Mayroon akong kotseng gagamitin sa pagsundo sa iyo. May bulaklak, tsokolate, pabangong nabanggit mong gusto mong bilhin. May kasama pang sulat at stuff toy. Planado na ang bagay na nakasanayan natin. May sobra pang dinner reservations sa isang sosyal na hotel.
Ikaw na lang ang wala.
Nakakatawa. Para akong sintu-sinto. Nakakatakot sa ganitong antas pero wala akong magagawa. Nakasanayan ko na ito. Ang maghanda kada Valentines.
Ito ang iisang araw sa isang taon na hinihintay ko. Corny, cheesy, baduy, o kung ano pang term ang naiisip mo, sabihin mo lang. Ito na ang araw ko. Wala kang pakialam.
Alam ko naman kung nasaan ka ngayon. Kasama mo ang boyfriend mo sa kung saang pampublikong pasyalan. Siguro kumakain din kayo. Siguro may tsokolate ka din at bulaklak. Siguro nasubukan mo na ang gusto mong pabango na ang boypren mo ang nagbigay.
Ayos lang. Diyan ka na lang. Happy Valentines sayo.
Matutunaw ang tsokolate, malalanta ang bulaklak, mag-e-evaporate ang pabango, at maluluma ang stuff toy.
Pero ang pag-ibig ko? Hindi magbabago.
Sa susunod na taon na lang ulit. Baka sakaling matanggap mo na ang mga inihanda ko para sa iyo.