Wednesday, August 20, 2008

Deletion

Hindi lang tikbalang, aswang, multo, at mga lalaking itim ang nakakatakot at hindi maipaliwanag sa mundong ito.

May mga bagay na maaaring mawala sa isang iglap. Sa loob ng sampung segundo, maayos kang nakikisalamuha sa mga taong mahalaga sayo. Pagkurap mo, bigla na lang silang mawawala.

Mahirap magpaliwanag sa mga isipang nabibigla. Isang komplikadong bagay ang pagbibigay-rason sa mga emosyon na napupuno ng galit at pagkamuho sa isang tao.

Sadyang may mga bagay na pilit mo mang ingata'y mistulang parang alabok na pinahid ng hangin. Sa isang mabilis na pitik ng tadhana, lubusan itong lilisan.

Walang bakas. Walang alaala. Walang iniwang miski isang hibla ng buhok.

Higit pa sa kabutihang-loob, pagmamahal, pag-bibigay ng panahon ang kakayahan na kung tawagin ay pag-intindi.

Kabilang sa saknong ng pag-intindi ang lawak ng isipan na hindi nauunahan ng galit at pagkainis. Naririyan at kaunabay nito sa paglaganap ay ang pag-ibig na walang malisya at masamang pakay.

Sa pag-intindi mag-uugat ang isang payapang samahan na sasabayan din ng pagbibigayan.

Dahil ang bukas na isipan ay may malaking maitutulong sa pagtanggap ng mga bagay na hahadlang sa iyong tunay na kaligayahan.
Legga Più...

Friday, August 15, 2008

Undying

Vilma Santos
by Sancho Delubyo

bullets and knives
bombs and poison

they are toys
beneath my feet

i do not tremble
in the face of catastrophe

i eat insecurities
and devour anxieties

i have been burned
with rage and lust

yet i stand
unrattled and unscathed

i have been flooded
with malice

yet i remain
standing beneath the current

i have been pushed
towards the abyss

yet i stare calmly
as i fall hastily below

i have been hanged with the rope
made of distrustful emotions

yet i smile cheerfully
waiting for the rope's collapse

i am immortal
i am made of strength

my heart beats infinitely
i will not perish

i eat life for dinner
and death for dessert

and yet you have
complicated what i am

i am not endless
no, iam not

i fall and decompose
and i pain as well as bleed

with you, i cease
to exist

with the warmness
of your radiating presence

i am flowing
into an endless demise
Legga Più...

Thursday, August 14, 2008

How

Ang Paraan
by Mariano

Sa paanong paraan
Lumilikha ng tula
Na nagsisimula
sa isang salita?

Paanong paraan
Nabubuo ang mga salita
Na ang tinutukoy
Ay mula sa diwa?

Paanong magsisimula
Ang isang tula
Na ang sanhi nito ay
Libu-libong paksa?

Sa paanong simula
Na ang tula
Ay huminto na lamang
At natapos bigla?
Legga Più...

Sunday, August 10, 2008

Words

Devastated. That's what I am. At this moment. Until when? Perhaps tomorrow.

I can't blame anyone else. I've been like this ever since. Always finding fault in my very own self.

If I can blame every thing bad that happens to the world everyday, well I guess I will.

But I can't since I am too busy blaming myself for letting people think that they are stupid.

It's a very sad and shocking thing to be slapped into your face.

"Thanks for making me feel stupid tonight."

It's just a painful feeling like no other. You try to take care of a peaceful, well, and smooth sailing relationship with a person and next thing you know you've fucked up every good thing about it for just not speaking up.

Words play a very essential part on our everyday lives. You try to sell things with it, you try to pass your schooling with it, you help someone from not committing suicide with kind words you utter and you base your religion on it.

You make someone fall in love for you with it, and then at the same time you take away all those love with the very same words from your mouth.

I am a talkative person but I seldom speak of what I have in my mind. Whenever it comes to comical juices and probably sleazy stuff, my mind is a heavy gush of water. Words flow out as if they're bullets ready to be fired out. They line up one by one on a single stream of sentences.

It's not easy being serious when it comes to words.

Sometimes they just wouldn't come out when your supposed to say it.

And it's not always what you've said. Sometimes it's what you haven't said that destroys the plot.


= = = = = =

I guess this is where it's going to start
This is where your time will soon fade
And memories of me will be blown away
Piece by piece by the winds of dismay
It is painful that whatever genuine feeling
That you're trying to convey
Is only taken for as fake
I never wished for it to be that way
For whenever you do not speak
Or when you have no thought
Of what to say and when to say it
Will be taken as an act of maliciousness
Ready to consume you
Willing to devour you
And forever place a dark mark
In your heart and mind

People of course are not the same. Some may settle for being quiet and some may demand explanations. Unfortunately some people would take it negatively if they did not hear what they should hear from you. When in your case, you can't say anything because you just can't. For no reason at all, you just can not give what they want to hear.

I am lost. I am broken. If it had to end up this way, or if it will end this way. It pains me to even think that I have wronged a peaceful relationship with someone.

= = = = = = = = =

Masakit para saken kung dito na lang matatapos to. Na nakagawa ako ng ganun kabigat na kasalanan. Na nagkaron na pala ng ganung damdamin sa mga ipinapakita ko. Na nakapagbubunga na pala ako ng ideya ng pakikipagplastikan.

Mahirap. Masaklap. Pero hindi ko yata ito maiipaintindi.

Oo nga at walang ni isang porsyento ng pagiging tama ang hindi pagsasalita sa oras na hiningan ka ng paliwanag at magiging dahilan para magmukhang tanga ang isang tao.

Mahirap sa damdamin. Kailangan na yatang umiwas. Lumayo.

Kung ito na nga ba ang senyales, dahilan, o kung ano pang rason na hinahanap ng pagkakataon para lumisan ka, puwes heto nga't hinaharap ko na.

Akala ko magkakaroon pa ako ng pagkakataon na makasama ka.

Kung ganito na pala kabigat ang kasalanan ko sayo sa hindi lang pagsasalita, paano pa kaya sa mga susunod na pagkakataon? Kung meron pa nga.

Patawarin mo ako kung nagmukha kang tanga.

Mahirap para sa akin ang magsalita. Lalo pa't magsalita ng seryoso. Hindi ko ito maiipaintindi sa lahat ng tao.

Tumitirik ang utak ko kapag hinihingan ako ng paliwanag.

Pero masaklap ito.

Isusuko ko na lang sa oras at panahon.
Legga Più...

Wednesday, August 6, 2008

Still

Bunga ng Maghapon
by Sancho D

ang mga mata natin
nakatutok sa isa't-isa
na parang mga hibla ng sapot
malagkit at nakabinbin sa hangin

isang maghapon
na punung-puno
ng mabagal na pagdaloy
ng ating kamalayan

ako'y pagod sa mga tanong
kung paanong ang isang
tulad ng masayang kahapon
ay nagdaraan sa putikang landas

na mistulang ang mga salita
ay tila pulot pukyutan
mabagal ang patak
mula sa garapon ng pagiisip

sa mga panahong tulad nito
pumipilantik ang pagtataka
na kung ano ang kinabukasan
kung nagmula ito sa munting simula

at hindi rumagasa't bumigla
sa hanay ng masidhing damdamin
kasabay ng pagtataka kung ano ang dulo ng silid
na nagmula sa pangingilatis ng bawat isa

mabagal ang daloy ng ating pangunawa
ang wari ko'y mahamog ang aking patutunguhan
nais ko ang ilaw mula
sa lampara ng iyong pakikisama

sapagkat ikaw ang papawi
sa agam-agam kong
dulot ng iyong
mga nakabiting pagtitig
Legga Più...

Same

Trabaho.

Kailangan ng dedikasyon para maatim mo ang resultang hinahanap mo. Kailangan mo ng panahon para pag-ukulan ang mga bagay na makapagpapabuti sa kalagayan na gusto mong matamasa.

Di man palaging kailangan ng plano, kailangan mong umaksyon upang mapaganda mo ang takbo ng mga bagay at mapalago mo ito. Oras, pagod, hirap, at mahusay na pagdedesisyon ang makapagbibigay-sigla at makapagaayos ng mahusay sa iyong trabaho.

Di man sa lahat ng oras ay kailangan ng matibay na pundasyon o simula ng isang trabaho, mainam pa din ito. Kung hindi man maganda ang simula, naririyan naman ang mga panahon para mapagbuti ang iyong sarili para sa gagampanang posisyon. Kung tinanggap ka sa trabahong iyon, gawin mo ang dapat mong gawin.

Hindi rin sa lahat ng oras, ang trabaho mo ay tatakbo ng kusa. Kailangan nito ng atensyon at pagpapahalaga upang maging maayos ang takbo nito.

Hindi perpekto ang buhay sa trabaho. Darating at darating din ang mga problema na maaaring makasira sa iyong ginagampanang posisyon. Kaya naman hindi sa lahat ng oras pulido ang resulta. Maaaring magkamali ka sa iyong ginagawa at magdulot ito ng matinding kasiraan sa huli subalit dapat nating malaman na may panahon para sa lahat at may panahon upang gumawa ng paraan para mabawi ang mga kawalan at maibalik sa dati ang matiwasay na takbo nito.

Ang trabaho ay pinagtutuunan ng konsentrasyon. Sa oras na mawalan ka ng panahon dito at mapabayaan ang trabaho, unti-unti itong masisira. Dadami ang iyong dapat gawin at matatambakan ka ng mga bagay-bagay. Dahilan ito upang madaliin mo ang mga dapat mong gawin at dahil dito hindi mo na malalaman kung maayos pa ba ang resulta o hindi. Hindi mo magagawa ng tama ang mga bagay sapagkat nagmamadali kang matugunan ang bawat isa sa mga napapaloob na gawain upang makumpleto ang kabuuan nito.

Dahil sa pagmamadali, mas makakagawa ka ng marami pang kamalian. Mag-uugat ang isa mas marami pang pagkakamali, at isa pa, at isa pa. Iisipin mong tama ang iyong ginagawa kaya naman isasakripisyo mo ang pagmamadali upang matugunan ang kailangan. Hindi mo maiisip na mali na pala ang iyong ginagawa sapagkat gusto mo na lang matapos ang mga bagay. Nabulag ka na lamang sa kagustuhan mong makabawi pero ang totoo, hindi na mahalaga ang ginagawa mo para sa trabaho.

Darating ang panahon, mawawalan ka ng oras sa iyong sarili. Mapapagod ka at hindi mo na magugustuhan ang ginagawa mo. Maaaring nadadala ka lamang sa mataas na sahod at magandang benepisyo pero ang totoo, kung titignan mo ang kabuuan, hindi ka masaya sa nangyayare at takbo ng buhay mo. Paulit-ulit at walang saysay. Walang nangyayare sa iyong ginagawa. Madalas ay napapagod ka pa, at sa huli, hindi panatag ang iyong kalooban.

Hindi ka masaya sa nangyayare at hindi ka natutuwa sa ginagawa mo.

Ano ang susunod? Magsasawa ka sa mga nangyayare at maghahanap ng bagong trabaho. Ang trabahong nais mong gawin. Ang trabahong nais mong pasukan araw-araw ng walang iniisip na problema sapagkat ito ang tunay mong gusto. Ang trabahong minsan mo na ding pinagbuhusan ng lakas, oras, at pagsisikap. Maghahanap ka ng bagong trabahong tulad ng nauna mong pinanggalingan, bago pa man ito nauwi sa pag-ayaw mo sa iyong ginagawa. Hahanapin mo ang uri ng trabaho na gustong-gusto mo kaya't hindi na ito magmimistulang trabaho ngunit isang bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubos.

Pag-ibig.

Ngayon, isipin mong pag-ibig ang pinag-uusapan dito.
Ang trabaho, mistulang pag-ibig.
Legga Più...

Monday, August 4, 2008

Sabit

Hito
by Sancho D



maghapon nang nasa kalsada
isang libong jeep na ang nagdaan
basang-basa ang kalangitan
at mausok ang paligid

walang payong at babad
sa ulan na walang tigil
sipon at ubo sa una
pagtagal ay trangkaso na

wala nang lakas na makipagagawan pa
sa mga pasaherong animo'y
mga gutom na leon at tigre
rumaragasang patungo sa jeep

aanhin ko pa ang komportableng pagkakaupo
kung mga katabi ko nama'y
mga nangngangalit na ngipin
at matang matapang dulot ng basang pananamit

mga reklamong pabulong
mapanusok na tingin
sa tumatagaktak kong polo
at nagbabahang pantalon

higpitan ang kapit
at tibayan ang kalooban
sapagkat kay hirap ang sumasabit
kapag madulas ang hawakan
Legga Più...

Tamarind

Sampaloc
by Sancho D


Maasim at nakapagpapangiwi
Luhang umaagos sa pisngi ng isang talunan
Isang nakakangalay na pagtingala
Isang mapaklang senyales

Isa kang matayog na puno ng sampalok
Makapal ang mga dahon
Mayabong at malusog
Namumukadkad ang mga bulaklak

Ang tangi kong inaabangan
Ay ang pagbubunga ng aking pag-aabang
At ang patitiyaga ng aking damdamin
Higit pa sa araw-araw kong pagtingala

Inunti-unti ko ang pagpapasibol
Sa iyong mga bulaklak
Pagmamahal ang aking idinilig
Tiyaga at pagsisikap ang aking pataba

Subalit isang mapait na buto
Ang iyong iniabot
Walang tamis
At walang sustansiya

Isa kang puno ng sampalok
Matayog at matikas
Ngunit ang bunga mo'y isang maasim
Mapakla at tuyot na mga alaala

Isang sampal na inialok
Sa aking paghahangad
Na makatikim ng matatamis na bunga
Ng aking paghihirap
Legga Più...