Trabaho.
Kailangan ng dedikasyon para maatim mo ang resultang hinahanap mo. Kailangan mo ng panahon para pag-ukulan ang mga bagay na makapagpapabuti sa kalagayan na gusto mong matamasa.
Di man palaging kailangan ng plano, kailangan mong umaksyon upang mapaganda mo ang takbo ng mga bagay at mapalago mo ito. Oras, pagod, hirap, at mahusay na pagdedesisyon ang makapagbibigay-sigla at makapagaayos ng mahusay sa iyong trabaho.
Di man sa lahat ng oras ay kailangan ng matibay na pundasyon o simula ng isang trabaho, mainam pa din ito. Kung hindi man maganda ang simula, naririyan naman ang mga panahon para mapagbuti ang iyong sarili para sa gagampanang posisyon. Kung tinanggap ka sa trabahong iyon, gawin mo ang dapat mong gawin.
Hindi rin sa lahat ng oras, ang trabaho mo ay tatakbo ng kusa. Kailangan nito ng atensyon at pagpapahalaga upang maging maayos ang takbo nito.
Hindi perpekto ang buhay sa trabaho. Darating at darating din ang mga problema na maaaring makasira sa iyong ginagampanang posisyon. Kaya naman hindi sa lahat ng oras pulido ang resulta. Maaaring magkamali ka sa iyong ginagawa at magdulot ito ng matinding kasiraan sa huli subalit dapat nating malaman na may panahon para sa lahat at may panahon upang gumawa ng paraan para mabawi ang mga kawalan at maibalik sa dati ang matiwasay na takbo nito.
Ang trabaho ay pinagtutuunan ng konsentrasyon. Sa oras na mawalan ka ng panahon dito at mapabayaan ang trabaho, unti-unti itong masisira. Dadami ang iyong dapat gawin at matatambakan ka ng mga bagay-bagay. Dahilan ito upang madaliin mo ang mga dapat mong gawin at dahil dito hindi mo na malalaman kung maayos pa ba ang resulta o hindi. Hindi mo magagawa ng tama ang mga bagay sapagkat nagmamadali kang matugunan ang bawat isa sa mga napapaloob na gawain upang makumpleto ang kabuuan nito.
Dahil sa pagmamadali, mas makakagawa ka ng marami pang kamalian. Mag-uugat ang isa mas marami pang pagkakamali, at isa pa, at isa pa. Iisipin mong tama ang iyong ginagawa kaya naman isasakripisyo mo ang pagmamadali upang matugunan ang kailangan. Hindi mo maiisip na mali na pala ang iyong ginagawa sapagkat gusto mo na lang matapos ang mga bagay. Nabulag ka na lamang sa kagustuhan mong makabawi pero ang totoo, hindi na mahalaga ang ginagawa mo para sa trabaho.
Darating ang panahon, mawawalan ka ng oras sa iyong sarili. Mapapagod ka at hindi mo na magugustuhan ang ginagawa mo. Maaaring nadadala ka lamang sa mataas na sahod at magandang benepisyo pero ang totoo, kung titignan mo ang kabuuan, hindi ka masaya sa nangyayare at takbo ng buhay mo. Paulit-ulit at walang saysay. Walang nangyayare sa iyong ginagawa. Madalas ay napapagod ka pa, at sa huli, hindi panatag ang iyong kalooban.
Hindi ka masaya sa nangyayare at hindi ka natutuwa sa ginagawa mo.
Ano ang susunod? Magsasawa ka sa mga nangyayare at maghahanap ng bagong trabaho. Ang trabahong nais mong gawin. Ang trabahong nais mong pasukan araw-araw ng walang iniisip na problema sapagkat ito ang tunay mong gusto. Ang trabahong minsan mo na ding pinagbuhusan ng lakas, oras, at pagsisikap. Maghahanap ka ng bagong trabahong tulad ng nauna mong pinanggalingan, bago pa man ito nauwi sa pag-ayaw mo sa iyong ginagawa. Hahanapin mo ang uri ng trabaho na gustong-gusto mo kaya't hindi na ito magmimistulang trabaho ngunit isang bagay na makapagpapaligaya sa iyo ng lubos.
Pag-ibig.
Ngayon, isipin mong pag-ibig ang pinag-uusapan dito.
Ang trabaho, mistulang pag-ibig.