Wednesday, January 9, 2008

Alon

Alon by Mariano

pabugso-bugso
maindayog sa karagatan
ng ating pag-ibig
madalas mapaglaro
at dinadama ang dalampasigan
ng bawat isa

papalayo, papalapit
paulit-ulit ang tema
pabalik-balik
minsa'y dumadagsa
minsa'y payapa

isang daluyong
na bagkus na lamang dadating
at walang ni isa mang
hudyat ng paglisan
pasugod at walang habas
ang dagsa ng kalamigan

nilulunod ako
ng walang hanggang
pagragasa ng mga alon
sa bawat hampas nito
sa aking puso

at sa bawat pagdagsa
at paglagunos nila
ay natutunan ko nang manlaban
sa paglalaro niya sa akin
at sa bawat isang hagupit niya

malamig at papalayo
ako'y di na matatangay
ang mga alon
na iyong inihahampas
sa akin