Friday, January 18, 2008

Koleksiyon

Sangkaterba. Nag-uumapaw. Wala na yata siyang pinalampas. Lahat na yata ng klase meron siya. Merong madungis, merong makinis, merong kakaiba, at merong papanoorin mo nang paulit-ulit at ayaw mo nang i-alis ang iyong eyeballs.

Scandalicious ang selpon ni classmate. Walang scandal ang hindi dumadaan sa selpon niya. Tila ba kaibigan niya lahat ng mga mapupusok na tao sa Pilipinas at sa kanya lahat ipinadadala ang bawat kopya ng pagniniip nilang saksi ang bawat lente ng kanilang selpon o videocam.

Minsan nakahiwalay pa ang scandal at porn sa ibang folder. May sariling folder ang Pilipinas.

Kulang pa yata ang 2GB na memory ng selpon niya. Merong may hidden camera, merong may kuha mula sa PoV ng lalake, ng babae, at meron namang gangbangers. Yun na ang pinakamalaking koleksyon ng scandal na nakita ko sa isang selpon.

Hindi na ako magtataka kung ang isa dun sa mga yun ay sa kaniyang ate, sa magulang niya, o kaya syempre ay sa kaniya.

Hindi ko alam ang motibo niya sa pangongolekta pero nakikinabang ako. Masaya ako at kaibigan ko siya. Halos dalawang beses sa isang linggo, merong bago. Yung iba, parang siya pa ang nag-a-upload sa internet.

Saganang-sagana ako sa kamunduhan. Kapag bagot ako sa klase, hihiramin ko lang ang selpon niya.

Kapag alam kong mag-isa lang ako sa bahay sa gabi, ipagpapalit ko pa ang simcard ng selepono niya at ng akin para lang maiuwi ko ang kaniya. May katagalan na din kasing sira ang computer ko at nasa bahay naman nila daddy at mommy ang dvd player. Mahirap na ang magkalat ng di oras.

Pero ang isa lang nakakatuwa(o nakakapagtaka) sa klasmeyt kong ito na ubod ng dami ng koleksyon ng sangkalibugan ng mga tao eh sa CR siya ng babae nagpupunta kapag naiihi siya.

Yan si Zandra. Halos lahat na lang ng lalake sa classroom eh pinagkakainteresan ang kaniyang selepono.

"Zandra, may bago ka ba? Papasa naman oh! Wala ba yung galing sa FEU o kaya sa CEU?"

Mayaman na siya kung maniningil siya sa mga nagpapapasa. Lalo na sakin, parang akin kung ituring ko ang selepono niya. Iba talaga ang tawag ng laman, kahit pang-isang mata lang ang liit ng screen, papatusin pa din.

Nung unang makita ng mga tao ang kanyang selepono, nabigla silang lahat. Kababaeng tao nito eh ang libog-libog. Nangingiti na lang siya sa mga sinasabi sa kanya ng mga tao. Ano nga naman daw ang pakialam nila? Kanya-kanyang trip lang daw.

"Kung sasabihan mo ako ng ganyan, sisiguraduhin mong hindi ko makikita sa cellphone ko ang kalibugan mo. Isa ka nga sa mga malalakas manghiram eh. Tumahimik ka na lang at wag nang makialam." Sabi niya sa isa naming kaklaseng lalake.

Naiisip ko din ang sinasabi sa kanya ng mga tao. Syempre matagal ko na din siyang kilala at hindi naman siya talanding babae na sumusunod sa layaw ng init ng katawan. Matinong babae yang si Zandra. Matalino at may angking likas na kagandahan na simpleng-simple. Medyo boyish ang dating kung minsan pero nananaig ang pusong babae.

"Hay nako, wag mo na akong tanungin ng paulit-ulit dahil di mo din naman maiintindihan."

Kaylangan ko pa yatang lumuhod o maglupasay o kaya eh tumawid sa alambreng kalawangin para lang malaman ang dahilan. Curious lang talaga ako kung bakit ang hilig niyang mangolekta ng ganun tapos bulgar pa sa karamihan.

"Nanonood ka ba ng mga ganyan? Anong ginagawa mo habang nanonood ka, KUNG nanonood ka lang naman."

"Minsan, pinanonood ko lang sila ng wala lang, parang normal act of human nature. Walang malisya. Nakakatawa nga sila minsan kung gaano sila nagiging tanga sa mga ginawa nila. Minsan pag bored ako, nagma-masturbate ako."

"Putangina, hindi nga?"

"Tangina ka, naniwala ka namang ungas ka. Kung totoo man yun, hindi ka makikinabang sa kalibugan ko. Hanggang cellphone ko lang ang pwede mong galawin!"

Alam ko naman na di siya seryoso sa mga sinabi niya pero nakakapanlaki pa din ng mata. Sana lang malaman ko ang tunay na dahilan.

Malapit na din ang birthday niya, magpapainom yun malamang. Siguro sa pagkakataong yun, malalaman ko ang dahilan. Iha-hot seat ko na lang o kahit ano pa mang torture methods ang pwede para lang malaman ko ang misteryo sa kabila ng kolekisyon niya.

Tama. Aabangan ko yun sa panahong iyon...