Naalala mo ba yung kanta ni Imelda Papin na Isang Linggong Pag-ibig?
Imelda Papin
Isang Linggong Pag-ibig
Isang Linggong Pag-ibig
Lunes
Nang tayo'y magkakilala
Martes
Nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules
Nagtapat ka ng yong pag-ibig
Huwebes
Ay inibig din kita
Biyernes
Ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado
Tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan
Refrain:
O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising
O kay bilis ng iyong pagdating
Pagalis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat
Nang tayo'y magkakilala
Martes
Nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules
Nagtapat ka ng yong pag-ibig
Huwebes
Ay inibig din kita
Biyernes
Ay puno ng pagmamahalan
Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado
Tayo'y biglang nagkatampuhan
At pagsapit ng linggo giliw ako'y iyong iniwan
Refrain:
O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Natulog akong ikaw ang kapiling
Ngunit wala ka nang ako'y gumising
O kay bilis ng iyong pagdating
Pagalis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap
Sa isang iglap lang nawala ring lahat
May sarili din akong karanasan ukol sa awiting yan. Marahil sadyang gayon na lamang ang paghamon ng pag-ibig sa akin. Tine-testing niya ang aking katatagan at ang kakayanan kong gumawa ng mainam na desisyon.
:Lunes:
Naglalakad ako patungo sa tindahan ni Aling Pinas, nagbibilang ako ng barya at nakatingin sa palad ko. Pagtingin ko tapat ng tindahan ni Aling P., nakita kong may kotseng nakaparada at nagbababa ng gamit. Kotse ni Mrs. Mendoza yun. Mukhang galing abroad, madaming balik-bayan boxes. Nakabalik na pala sila sa neighborhood.
Papalapit ako sa tindahan ng makita kong may palabas ng bahay. Dalaga, mga nasa 20 hanggang 23 anyos ang edad. May katangkaran, mga hanggang ilong siguro ako. Maputi, medyo chinita at long black hair. 10/10 ang rating ng mukha. Commercial model yata.
Lumapit siya sa tindahan at ako naman eh napatitig sa kanya. Target sighted ika nga ng piloto ng mga fighter planes. Di ko namalayang tinatanong na pala ako ni ate kung ano ang bibilhin ko.
Target locked.
Palapit siya sa akin, at ako naman eh nakatingin lang sa kanya. Subject is approaching fast. Ang tangkad. Nakatingala ako ng bahagya.
Ngumiti naman siya at nagsabi ng "Hi". Di karaniwan para sa mga babae pero nakinabang ako ng husto sa bati niyang yun. Napawi ang gutom ko at parang gusto ko na lamang makipagbatian (greet) sa kanya buong araw. Daig pa ang Koko Krunch sa linamnam ng kanyang mga pabati.
At ang kanyang ngiti, daig ang models ng Close-up at Colgate. Sensodyne yata ang toothpaste niya, pambigtaym. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang ngiti. Lalo akong nabusog. Nasusuka na ako sa kabusugan ko sa kanya.
Anxiety attack yata. Ewan ko. Di naman pangmahirap ang ganoong disorder. Ang kapal kong magsabi kung anong nararamdaman ko.
Nasa harapan ko na siya.
Natauhan ako sa pagkakasabi niya ng hi sa akin at ako eh utal na nagreply din naman ng hello. Pero syempre nakangiti ako.
"Ate, 20 pesos of Chocnut please!"
Slang ang accent. Siya yung balik-bayan. Anak siguro ni Mrs. Mendoza. Di ko akalain na ganun ka-friendly ang anak ng minsan nang nanghabol sa akin ng talak nung nangupit ako mangga sa puno nila. Isa pa eh di naman kagandahan si Mrs. Mendoza. Sana lang hindi ito anak o kaya naman eh ampon lang niya. Mahirap magkaroon ng kalahing ma-swanget.
Nakatitig lang ako sa kanya habang inaantay niya yung Chocnut. Napatingin siya sa akin sabay smile ulit. Syempre smile din ako.
*SMALL TALK*
"So, from what street are you?"
Nabigla ako. Di ako sanay tanungin ng ganoon ng isang babaeng maganda. Lalo pa't ingles.
Tumuro na lang ako sa direksyon ng bahay namin, sabay sabi ng "I'm from over there! Just beyond the curve."
Para akong tanga. Praktisado naman ako sa ingles at marami akong baon pero parang di ko kakayaning makipagusap sa ganito kagandang babae ng ingles. Ganun pala ang nabibighani. I was swept off my ass.
"Haha, really? You're from the Yakal street huh? I'm Diane, nice to meet you..."
"Oh, Sancho."
"Haha, nice name. Nice to meet you Sancho."
"Yes. Thank you. So is your name. Like a goddess."
"Haha, really now? Well, I have to go inside. Hope to see you again. Want some Chocnuts? I've missed them a lot eversince I went to Australia. These are my favorite."
"Oh, thank you! I think I will get only one. Thank you again!"
"Haha, you talk funny. Well anyway, see you around Sancho!"
Inihatid ko na lang siya ng tingin ko papunta sa bahay niya. Pumusta pa ako sa sarili ko na kapag lumingon siya sa akin, magiging close kame at maaaring maging magkasintahan na din.
*Pag-ibig sa unang sipat*
Tinatawag na pala ako ni ate Emy, binulyawan pa ako at nagulat sa pagkakatawag niya. Kung ano daw ba ang bibilhin ko. Napalingon ako ng di oras. Pagtingin ko sa gate ng bahay nila, di ko na siya nakita. Bwisit ka ate Emy. Sumpain ka.
Ang hindi ko alam eh lumingon pala siya sa akin nung mga panahong yon. Paano ko nalaman? Wala, nagpi-feeling lang ako. Sana nga lumingon din siya sa akin sa mga panahong yon. Destiny awaits.
"Ate, dalawang Yakisoba Chicken. Sino ba yung si Diane ate? Kilala mo ba yun?"
"Pamangkin ni Mrs. Mendoza yun. Anak nung kapatid sa isteyts. Kababalik lang ngayon dito niyan. Ang gandang bata na pala."
"Ows? Talaga? Kelan ba sila nakatira dito?"
"Matagal na din. Wala pa kayo dito nun. Bata pa lang yan eh umalis na sila. Bakit type mo? Ulol, di ka papasa diyan, bigtime yan. Tignan mo nga ang damit mo, sandong butas-butas pa. Di ka na nahiya."
Oo nga pala, butas-butas nga pala ang sando ko. Nakakahiya nga naman. Di ko man lang namalayan. Ang lakas ng dating ni Diane, sa kanya lang nakatutok ang kaisipan ko. Di ko na inisip kung mabaho ba ang hininga ko o kung may muta pa ako. Basta sumagot lang ako sa tanong niya.
"Ate Emy naman, hindi ko kailangan ng judicatory opinion ninyo. Sapat na ang chismosa skills nyo para sa akin, wag nyo nang dagdagan pa ng komento saken! Sus ka!"
"Leche ka, ito na ang Yakisoba mong bata ka. Umuwi ka na!"
"Sukli ko!"
Maganda ang panimula ng araw kong ito. Salamat Lunes, isa kang biyaya sa linggo kong punung-puno ng kabagutan at katamaran. Mayroong bagong bukas na naghihintay para sa akin. Sana'y makilala kita ng lubos Diane. Salamat sa Chocnuts.