Maaga kang nagising kanina. Di hamak na mas maaga sa normal mong paggising. Hindi ka sanay at masakit ang ulo mo. Pinilit mong ibalik ang mapayapa mong pagkakahimbing. Hindi na rin bumalik ang iyong antok.
Nakaramdam ka ng kakaibang lamig sa paligid. Bumangon ka upang tignan ang ingay na naririnig mo sa labas.
Umuulan pala. Mukhang magdamag nang basang-basa ang paligid. Nanghinayang ka dahil hindi mo maitutuloy ang iyong morning jogging session. Mahirap tumakbo ng may dalang payong.
Bumalik ka sa iyong higaan at dinama ang init ng kama. Tinitigan mo ang kisame. Pilit mong isinasaisip ang panaginip na kanina'y kay linaw sa iyong alaala. Hindi mo na maalala. Kaylangan mo ng brain vitamins at maraming mani para mas madali na lang sa susunod na pagkakataon.
Ilang sandali pa'y bumangon ka na. Tumungo sa banyo't naghilamos, umihi, at nagtungo sa tapat ng bintana sa salas.
Habang papalapit sa bintana ay napansin mong makapal nanaman ang hamog sa paligid. Kaya naman pala malamig, naririto nanaman ang hamog na nagpapa-alaala sa iyo ng mga nakaraan. Hindi lamang lamig sa balat ngunit lamig sa kalooban ang iyong nadarama.
Umupo ka sa tapat ng iyong computer at binuksan ito. Habang naghihintay na mag-load ay kinuha mo ang iyong celphone. Walang ni isang mensahe mula sa kahit na sino. Isang katunayan ng malungkot mong buhay na kakabit mo na simula nung lumisan siya.
Mainam na din yun. Alam mong nararapat siyang mawala sa kabila ng kahirapan mong bumitaw.
Binuksan mo ang music player ng iyong computer. Nag-search ka ng kanta at isinalang mo si Ne-yo.
Go on Girl kaagad ang pinili mong kanta. Nilakasan ang volume at tumitig sa labas. Nakakarelate ka sa kantang ito. Sumagi nanaman ang isipan ng nakaraan habang pinagmamasadan mo ang makapal na hamog sa labas at tinititignan ang patak ng ulan sa bintana.
Lumilikha ang hamog ng kakaibang pigura sa hangin. Parang telebisyon ang nakikita mo't malinaw na malinaw ang lahat ng nangyayare.
Masaya ang tawanan ninyo at paghahabulan sa damuhan habang ninanamnam ang lamig na dulot ng hamog sa parke. Kitang-kita mo kung paanong sa mga panahong iyon ay perpekto ang lahat at alam mong siya na ang makakasama mo sa kama kada magigising ka sa umaga.
Pero hindi pala.
Naipakita din sa iyo ng hamog kung papaano niya masigasig na hinahalikan ang iyong best friend. Habang papalapit ka sa kanilang dalawa'y naaninag mo na ang kanilang pigura. Magkayakap at matindi ang pakikipagespadahan ng dila sa isa't-isa.
Nanaig sa iyo ang pusong mamon. Matapos ang pangyayare ay ni hindi ka man lamang naghanap ng paliwanag sa kahit na kanino sa kanilang dalawa.
Tahimik mo itong pinalampas na parang mga paa mong natatapakan sa MRT. Alam mong masakit subalit wala kang ibang nagagawa kundi magpatawad lamang.
Hindi iisang beses na naipakita sayo ng makapal na hamog ang ganitong klase ng kalokohan. May ilang ulit na. Sa best friend mo. Sa kaklase mo. Marahil sa kapatid mo na din. Subalit nariyan ka, nanonood lamang sa di kalayuan, sa piling ng malamig na hamog na nakapaligid sa inyo.
Tangina n'yo, get a room bitches. Sabi ng isipan mo.
Mapapatawad pa din kita. Alam kong wala ako madalas para sayo kaya ganyan ka. Sabi ng puso mo.
Tanginang hamog yan, ano bang meron diyan at sobrang nakakapagpalibog ng sinisinta mo. Lahat na ay kinalantari. Di kaya sobrang gago lang talaga ng babaeng ito kaya ganyan na lang ang kati sa kanyang mga dila? Sabi ng isipan mo.
Hindi na umimik ang puso mo. Marahil tama ang isipan mo.
Natapos na ang kanta ni Ne-yo. Natigil na din pala ang ulan na kanina pang pumapatak. Mahamog pa din sa labas.
Daglian mong kinuha ang jogging pants mo at ang rubber shoes. Tama na ang pagtitig sa hamog.
Tatakbo ka na sa labas at haharapin ang buhay mong mas malabo pa sa mahamog na daanan.