*Nakakapagod umakyat sa tuktok.*
Kung bakit ba naman kasi nasira pa ang hinayupak na elevator na ito. Di sana dapat nandun na ako sa rooftop at hindi pa ako napagod. Bakit kasi ngayon pa. Kung kailan nakapagpasya na ako.
*Oo nga. Bakit nga naman ngayon pa. Ang hirap akyatin mula sa twentieth floor ang thirty-fifth floor*
Para akong boss na kontrabida sa isang Pilipinong action film. Yun bang kalmadong-kalmadong nagbabasa ng diyaryo pagkatapos ay bigla na lamang manlalaki ang mata, mapapamura ng malutong, o kaya ay masasamid sa kape sa nabasang balita sa pagkakapatay ng tauhan niya, pagkakahuli ng iligal na negosyo, o di kaya naman eh ang pagkakahuli sa kanya ng media tungkol sa sangkatutak niyang kalaguyo.
Parang ganito ang reaksiyon ko matapos kong mabasa ang nilalaman ng sulat mo.
Ang baduy no? Talagang sumulat ka pa. Sa kabila ng makabagong teknolohiya ngayon at maaari mo naman akong mabigyan ng mensahe sa Friendster, Multiply, Facebook, o kaya eh MySpace kapag sosyal ka eh hindi mo pa ginawa. Kailangan talagang ilagay pa ang mensahe sa isang bagay na maaari kong hawakan habang binabasa ko at walang kalakip na radiation di gaya monitor ng computer. Sa isang bagay na maaari ko din namang punitin o kaya'y itapon sa anumang oras, gaya ng pagdelete ng e-mail o text message sa inbox.
Hindi nga naman kasi mainam kung masusuntok ko na lamang bigla ang monitor sa sobrang kasamaan ng pakiramdam ko.
*Ayan, malapit na akong makarating. Twenty-seventh floor na.*
Pero hindi ganun ang ginawa mo. Kailangan talagang nakasobre at nakasulat-kamay mong maliliit ang bawat titik na madalas ko na ding nababasa sa mga notes mo noon. Ang ganda-ganda pa ng card na ibinigay mo sa akin. Hallmark ang tatak. Pero sa kabila ng ikinaganda ng mensahe nito mula sa designer, at sa mga makulay na border at mabangong envelope, hindi ko nagustuhan ang nilalaman nitong mensahe.
"I am with someone now. I hope you can understand. I've waited but it just wasn't enough. Up until the last moment, I've waited. I deserve to be happy with someone else..."
Yun na lamang ang mga nabasa kong kataga sa sulat na ibinigay mo sa akin. Ang iba'y parang mga jumbled letters na lamang sa Scrabble. Yung iba parang characters na lang ng ASCII.
"WAIOadwoidahwdoahhhad9eguaeiiaw.... alkwdjaIOIasdlkajwdklawjdalakjwgoogooahwjuwh..."
Wala akong maintindihan. Itinatakwil ng isipan ko ang bawat katagang nababasa ko sa sulat na hawak ko.
"Good---bye. I... hope you ...can find your... own happiness--- too..."
Nilabanan ko ang pagdidilim ng aking paningin. Ipinilit ko ang pagpasok ng oxygen sa aking mga baga. Akala ko sanay na ako sa ganitong mga tagpo. Madalas naman akong magbasa ng mga nobela ng kasawian. Akala ko sanay na ako sa nabasa kong iyon. Daig ko pa ang nakinig ng Gloomy Sunday na kanta.
*Whew! Konti na lang! Twenty-eighth floor na ako! Bakit kasi ang lalaki ng baitang ng building namin. Parang tanga ang architect nito, o kung sino mang henyo ang tumira ng hagdan. Di angkop sa tamad kong mga paa.*
Iba pala kapag ikaw ang bida sa sarili mong kwento ng kasawian. Mabigat sa dibdib. Mahirap huminga. Para kang nasa outer space. Lumulutang ang katawan mo kahit mabigat ang dibdib mo at hindi ka makahinga dahil sa walang oxygen.
Sinikap kong isalba ang sarili ko mula sa kawalang-malay. Pero hindi ko ito nagawa. Araw-araw kong binabasa ang sulat na ito. At sa araw-araw na yun, nawawala ako sa aking sarili. Hindi ko makita ang aking dating ako. Nawalan na ng malay ang aking kaisipan. Auto-pilot mode. Pumapasok ako sa trabaho at namamalayan ko na lang na katapusan na ng araw. Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung papaano ako nakakaraos sa araw-araw sa kabigatan ng mga katagang nabasa ko mula sa iyong mga sulat. Kung papaano ako sinisipa ng katotohanan sa aking mukha. Kung papaano ang masakit na pananampal ng mga salitang "KUNG, SANA, LANG, BINIGYAN, KITA, NG, at HALAGA". At ang buhat-araw na suntok ng mga salitang "PAALAM".
Kung papaanong nagkaganito ang nilalaman ng sulat mo ay hindi na mahalaga. Wakas na ng lahat. Hindi na ako aasa pa sa ikalawang beses. Titingin na lamang ako ng derecho at ngingiti ng may pagkukubli sa sakit ng sulat na ibinigay mo.
Ako ang depinisyon ng salitang TANGA. Walang duda.Dadaanin natin sa ngiti yan. Dyan ako magaling eh. Pero di naman nila alam ang totoo. Kayang-kaya kong magkubli, gaya ng kakayanan kong maging tanga para sa ating dalawa. Magaling ako sa ganun eh, magpakatanga.
*Pawis na pawis na ako. Gusto ko nang magpahangin.*
Narating ko na ang rooftop. Walang tao. Mababa lamang ang mga bakod. Madaling akyatin.
Sinipat ko ang langit. Nakikiramay siya, hindi mainit ang kanyang sinag. Hindi ako masisilaw sa pagtitig sa kaniya habang bumubulusok ako paibaba.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Ngayon na ang panahon. Wala nang atrasan.
Gaya ng mga kontrabida sa pinoy action films, namamatay sila sa malagim na paraan.
Ganito pala kasarap ang pakiramdam ng nakalutang at wala sa outer space. Magaan ang pakiramdam. Walang na ang bigat sa aking dibdib. Ang ganda ng kalangitan habang nararamdaman ko ang hangin sa aking likuran. Damang-dama ko ang hangin sa aking likuran. Nakikita ko ang mga ngiti mo sa kalangitan habang tinititigan ko ito.
Hawak ko ang iyong sulat sa aking mga kamay. Sana hindi ko ito mabitawan sa aking pagbasak.