Wednesday, January 9, 2008

Toilet Dreams

Sapagkat ang bawat pangarap ng tao ay mahalaga, kaya't dapat silang ingatan.

Ngunit kaiba ang sa akin.

Dapat itong lunurin.

Isabay sa paglubog ng nakaaraang hapunan.

Sapagkat ang pangarap ko'y nababagay sa inyodoro.

At ang sa iyo'y pinalamutian ng pilak at ginto.

Halina't mangarap kasama ako.

--Mariano